Kung titingnan pala, mas fan talaga kami ni Jolina, meron pa kami nung mga cassette tapes ng mga kanta niya. Gustung-gusto ko iyong mga kanta niyang Oh Babe, Mahal Mo Ba Ako, Laging Tapat, Nanghihinayang, Kapag ako ay Nagmahal, Tameme, Sana'y Kapiling Ka, Sa Araw ng Pasko, Paper Roses, Crying Time, TL Ako Sa 'Yo, Kung Ikaw ay Isang Panaginip (nakita ko lang itong list, pero gusto ko talaga sila, at naaalala ko lagi namin pinapakinggan mga tapes niya noon). Ayun, bukod sa pagiging singer, magaling din siyang umarte at magpatawa. Nakakadala kasi siya kapag umaarte na siya, kakaiyak! Ayun, saka meron pala siyang boutique na malapit sa amin noon, yung Jolina's Fashion Gallery, pero hindi ko maalala kung nakapunta ba kami doon.
Ayun, sila nga ang aming paboritong love team noong bata pa lang kami ng aking kapatid. Hindi na kasi sila ang magkalove team ngayon eh. Sayang. At kahit na alam kong may kanya-kanya na silang buhay ngayon, kinikilig parin ako sa kanila tuwing makikita ko sila sa TV shows na magkasama, pero hindi ko narin sila ganoong nasubaybayan paglipat nila sa GMA at pagtatambal muli sa I Luv NY (proud kapamily pero minsan nanuuod din naman ako sa GMA. haha). Basta, kahit anong mangayari, hindi na maaalis sa akin ang pagiging avid fan nila. Bukod doon, alam ko na wagas tayong napatawa, napakilig at napaiyak nilang dalawa. Sana nga ipalabas ulit sa Cinema One mga pelikula nila, para masaya.
Ito ay dalawa lamang sa mga pelikulang pinagtambalan nilang dalawa. Nakakatuwa talaga silang panuorin!
Flames: The Movie (1997), Ito yung pelikulang may dalawang parts, yung una iyong kina Jolina at Marvin na may pamagat na "Tameme", yung pangalawa naman "Pangako", kina Claudine at Rico Yan. Siyempre yung kina J-M ang pag-uusapan natin. Ang istorya nito ay iyong tungkol sa mga 4th year hayskul na sina Leslie at Butch, si Leslie na mayaman at si Butch na mahirap lang. Hindi masabi ni Butch ang nararamdaman niya kay Leslie kasi natotorpe siya at dahil narin nahihiya siya dahil mayaman si Leslie at feeling niya na wala siyang binatbat sa ibang mangliligaw ni Leslie, tulad ni Rolly (Bojo Molina) na tadtad ng pogi points dahil sa mga bagay na meron siya. Isang araw, sa klase nila sa Physics pinahiya ni Leslie si Butch, eto namang si Butch gumanti, so ayun nag-away sila. Nagsorry naman si Butch, so ayun, okay na sila, padate date, hanggang sa naintimidate na siya masyado sa family ni Leslie at Rolly, nag-away sila ulit, pero sa huli, pag-ibig parin ang nagwagi.
Naalala ko dito yung mga teleponong may design na pagkalaki-laki, haha, ang pagtawag ng Princess Leslie at ang "wooden shoe", ang sweet sweet talaga noon, saka yung nag-ipon talaga si Butch para sa date nila, kahit barya yung binabayad niya. At syempre ang Florante at Laura scene at ang mga theme songs- Tameme at Sana'y Kapiling Ka. Balita ko pala gagawan to ng tv series sa ABS-CBN ngayong 2011.
Mga lines sa movie:
"Kailan mu ba aq liligawan Butch? Promise ko sayo hinding-hinding-hindi ako magpapakipot talaga. Lage kong lilinisan ang harabas mo, magtatanim ako kung saan man ang bukid nyo. Kakain ako ng pritong tuyo, nilagang tuyo, adobong tuyo, kahit kaliskis uubusin ko para sayo. Isang hirit mo lang butch, isang salita mo lang..eeeehhhh…yes yes yes!" -Leslie (sobrang kilig! )"Mahal? Sabi nga nila, pero yang mahal na yan, naririnig ko lang; hindi ko naman nakikita, hindi ko nararamdaman."-Leslie
"Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako…" -Butch
"Pogi points, marami ako nun, pero bakit hindi ako masaya?" - Rolly
Naalala ko din nung bata pa kami (hanggang ngayon parin pala), yung nauso yung FLAMES, at ifflames mo talaga lahat ng crushes mo sayo. Ang cute diba?!
Labs kita... Okey ka lang (1998), my favorite! At oo, ito yung title nung movie nilang iyon, hindi "BUDJOY", haha. Dito ko natutunan kumain ng Pringles na sinawsaw sa coke. (Sorry walang screeenshots.) Kasama narin sa nagpaganda sa pelikulang ito ay ang kanilang mga kanta, isa na dito ang "Kapag Ako ay Nagmahal" Ito ang natatanging pagganap nina Marvin and Jolina kina Ned at Budjoy!
Ang istoryang ito ay tungkol sa matalik na magkaibigan na sina Ned at Budjoy. Si Budjoy ay may nararamdaman para kaya Ned na higit pa sa pagkakaibigan nila, pero ito namang si Ned manhid ata. Napunta ang atensyon ni Ned kay Mary Ann (Vanessa Del Bianco), at sobrang naapektuhan si Budjoy dito. Nung maging sila na, sobrang nasaktan siya at sinabi niya na lahat ng nararamdaman niya para kay Ned.
Eto na! Scene sa parking. Alam ko na ito rin ang paborito niyong mga linya sa pelikulang ito, lalo na ang pag-amin ni Budjoy...
BUDJOY: Get out of my way!
NED: Hindi ka ba masaya para sa akin?
BUDJOY: Get out of my way!
NED: Budjoy diba ito ang gusto mo?
BUDJOY: I said get out of my way!
NED: Ano bang nangyayari sayo?
BUDJOY: Wala kang pakialam!
NED: Hindi na kita maintindihan eh
BUDJOY: Kelan mo ba ako inintindi!
NED: Deretsahin mo nga ako, dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo! Kung galit ka sabihin mo sakin, sabihin mo sa akin kung bakit. Kung nasaktan kita, sampalin mo ako, sige, gantihan mo ako, matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh...
BUDJOY: Oh, yes kaibigan mo 'ko. Kaibigan mo lang ako. And that's all I ever was to you, Ned, your bestfriend. Takbuhan mo kapag may problema ka, tagasunod, tagabigay ng advice, taga-enroll, tagagawa ng assignment, tagapagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka, taga tanggap ng kahit na ano. And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend... dahil kahit kelan, hindi mo naman ako makikita eh, kahit kelan hindi mo ako kayang mahalin... na higit pa sa isang kaibigan." (kabisado ko tong part na to dati!)
NED: budjoy... budjoy...
BUDJOY: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life.
NED: budjoy mahal kita, mahal kita budjoy, mahal na mahal kita kaya siguro naduwag ako, kung magkarelasyon tayo, paano kung masaktan kita. Budjoy, baka pati tong budjoy na kaibigan ko, mawala pa, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. budjoy,
BUDJOY: Anong gusto mong sabihin ko ned? Anong gusto mong maramdaman ko? Mahal mo ako pero hindi mo naman kayang ipaglaban yung pagmamahal mo sakin, gusto mong maniguro? Ned, hindi ka lang isang duwag, makasarili ka!
Grabe, kakaiyak talaga tong scene na ito. The Best! May iba pa akong gustong scene dito eh, yung kausap ni Budjoy yung mom niya saka yung nagddrama yung father ni Ned, kakaiyak din mga yun! Anyway,
♥ I just love this movie ♥
♥ Budjoy and Ned Forever! ♥
♥♥♥
7 comments:
im like so desperate SOBRA. I can't find "Labs Kita Okey Ka Lang?" anywhere!! eto pa't nasa canada at walang mga filipino video stores! kainis! hindi rin ako maka timing ng movie na yan sa TFC!!! i really want to watch it again and again and again. :") this blog post totally compensates. haha thanks :)
Awww, feel ko na gusto mo talaga siyang mapanuod ulit. Kung pwede lang kitang mapadalhan diyan! hihi. Aww, glad to have helped you in some way. Salamat din :)
i've always had troubles with bestfriends, and after reading your post i want to watch the movie, can you refer a shop where i can buy or rent the vid? thanks! :)
I also like labs kita, okay ka lang because it was set in baguio. I lyk movies with baguio as setting. Maganda din yung kapag ako ay nagmahal as soundtrack. Coincidentally, soundtrack din sa wedding video ko. I also liked gio's cenon character. Mahal niya si budjoy pero nagparaya siya kay ned. I liked the ending best. Jolina driving a white lancer kaya natuwa ako nung nagka white car kmi. Feeling ko ako si budjoy. He he. Gusto ko rin yung suot nya sa ending na yellow peasant dress with matching yellow sandals o espadrilles. Tapos toppedwith leather jacket na may fur collar! And of course the ending. Kahit walang lip kissing, feel ko pa rin yung kilig ng kanilang intimate moments. Oh to be young again. Atsaka nga pala 1998 nang ipalabas to was also the year Iwas starting my first.and only romance with my future husband...
Oh my gosh! Ngayon Ko Lang Na realize sobrang gaang Ng tandem nila...natural Yung kilig....Hindi Ko sila dati napapansin dahil masyado Akon nakatutuk Kay John Prats dati sa G-Mik...Pero nung pina mood lo Yung prescons nila lately dun Ko Na realize "My Gosh! Sobrang kilig talags!😍😍! As in! Parang Hindi sila tumanda. Walang punag bago! 😍😊 Sana maging huwarang halimbawa sila Sa mga youngsters ngayon. (21st Century Love-teams ika mga). Kahit matanda na sila Yung pagiging wholesome nandun pa rin eh. Hindi nawawala. Yung chemistry, built-in, Hindi pilit at trying hard.Sana maraming projects ang darating Sa kanila.. Sayang. Di sila nag katuluyan...😉
It's 2017 and I'm posting this comment. Exact same sentiments as anonymous commenter in 2013. Loved this film because Baguio is the setting. Kapag ako ay Nag mahal was also the background music in my wedding video. First watched this film not in a movie theater but on Cinema One, also in 1998/which was the same year the movie was released. Kinilig din because I was on the cusp of starting my first and only love story with my future husband. And Bujoy's yellow peasant dress topped with that bomber jacket (brown leather, fur collar) and with matching yellow sandals with Romanesque crisscross straps was really edgy fashion! And yeah, that ending scene where Ned kisses Bujoy on the forehead (may days yung kiss sa lips) and they hug was so kilig! Baka ka-age ko yung commenter from 2013!
Post a Comment
Thanks for reading! I'd like to know what you have to say, do leave a comment :)