World Teacher's Day daw ang October 5. Bukas!
Hindi ko alam kung bakit sa ganoong araw tinapat iyon.
Noong nasa elementarya pa lamang ako nakaugalian na kapag Teacher's day, mga estudyante naman ang magtuturo. Naexperience ko minsan iyon, hindi ko talaga gusto iyon, sa totoo lang, kasi kinakabahan ako lagi magturo sa klase pero sa huli matapos mong makapagturo at naramdaman mong may naibahagi ka sa mga kaklase mo, iba ang feeling eh, naging isa iyon sa pagkakataong nasabi ko na gusto ko rin magturo balang araw. Ang ibang pagkakataon ay sa tuwing nagkakaroon ako ng gurong nakikitaan ko ng wagas na pagmamahal sa pagtuturo.
Para sa akin ang pagiging guro talaga ang pinakamaganda at kahanga-hangang trabaho, kaya lang kasi ngayon iba-iba na ang pakahulugan natin sa isang magandang trabaho. Sa totoo lang hindi naman lang iyon isang trabaho, isa iyong bokasyon, "calling" ba. At hindi rin lang ang talakayan sa loob lang ng silid aralin ang maituturing na pagtuturo, kasama din doon ang mga pagtuturo ng mga tao sa labas ng eskwela, na hindi man isang propesyunal na guro ay nakababahagi ng aral sa iba. Walang hangganan yan.
Ito ang trabaho na di kayang tumbasan ng pera. Madami na akong narinig na mga guro na nagsasabi na hindi naman na sila nagtuturo para sa pera, ginagawa nila iyon sa kagustuhang maibahagi kung ano ang meron sila, nalalaman nila at kaligayahan nilang nakikitang may mga estudyante silang nakakapagtapos ng kolehiyo at may napatutunguhan ang buhay. Bukod doon, marami rin sa malalayong lugar na kahit wala namang sweldo ay taos- pusong binibigay ang kanilang lahat lahat para makapagturo lalo na sa mga kabataan.
Hindi basta basta lang ang pagiging isang guro. Ibinahagi ko na ito dati sa isa kong post pero uulit-ulitin ko pa rin kasi sobra akong naniniwala na ang pagiging teacher ay hindi lang basta pagtuturo...
A TEACHER WITH A HEART
♥♥♥
“All students have problems; teachers should know and help, so that their students can study.”
William Arthur Ward classifies teachers into four: (1) mediocre, (2) good, (3) superior, and (4) great. He said, “The mediocre teacher tells. The good teacher explains. The superior teacher demonstrates.
The great teacher inspires.
Which kind of teacher can help our present students who have both personal and family problems?
Some teachers are “terrors”. Their students say that hearing them make them turn cold and their knees shake and quiver from fear. Some would rather drop out. They do, sometimes.
Some teachers make robots and puppets of their students. From the beginning to the end of the semester: lectures, recitations, home works, reports, tests, examinations. Nothing in between. No PR, personal attention, no rapport. When the syllabus is finished and the semester ends, she submits the grades and another batch comes in for another semester.
What influence or inspiration can this professor give? NONE
A teacher who really wants to influence or inspire her students should really try to know them as persons, not merely as numbers in her record book or as grades in her final report. She should remember that teaching is not only checking on the subject matter taught. It is very much more. It is feeling with them, or them. It is touching their lives for the better even if it is only an understanding smile.
Abangan, B.A. (1986).Wandering Thoughts (Lakbay-Diwa): Faith, Hope, Love….Manila, Philippines: Aljun Printing Press.
♥♥♥
Ang ganda diba. Sa simpleng mga bagay, malaki na iyon para sa aming mga estudyante. Gusto kong magpasalamat kasi lahat kayong naging guro ko ay naging parte ng buhay ko. Kung sino man ako ngayon, malaki ang naibahagi niyo doon. Ikinagagalak at ipinagmamalaki ko na naging guro ko kayo. Humihingi rin ako ng patawad sa mga gurong nagawan ko ng di maganda. Sa mga gurong napagsalitaan ko ng masama sa likod nila o sa isip ko; na kahit dilat ang mata ko ay hindi ko na talaga makuhang intindihin; may klaseng late na ako kung pumasok; iniiwasan ko kapag nasa corridor; hindi ako nagpaparticipate, etc. At siyempre sa mga mahal kong guro, mahal ko kayo! Sana mas marami pa kayong mga estudyanteng mabigyan ng inspirasyon.
Ang susunod ay hindi paglalahat sa mga guro o pagbibigay stigma sa kanila...
PARA SA...
guro na nagalit at
nagpaiyak sa akin noong nasa elementarya pa lamang ako,
mga gurong hindi ako
tinatawag kapag hindi ko alam ang sagot,
mga gurong
masusungit,
mga gurong mababait,
mga gurong mababait,
mga gurong terror,
mga gurong feeling terror,
mga gurong feeling terror,
mga gurong binabati
ako pabalik kapag binabati ko sila,
mga gurong kaibigan
ko sa facebook at dati sa friendster,
mga kaklase kong
guro na rin ngayon,
mga kaklase kong naging teacher/tutor ko,
mga gurong magulong kausap,
mga gurong ayaw magpatalo sa estudyante,
mga gurong namumunit ng papel,
mga gurong inuuto ang mga estudyante
mga kaklase kong naging teacher/tutor ko,
mga gurong magulong kausap,
mga gurong ayaw magpatalo sa estudyante,
mga gurong namumunit ng papel,
mga gurong inuuto ang mga estudyante
mga gurong wagas
magbigay ng takdang-aralin,
mga gurong ni minsan ay di nagbigay ng takdang-aralin
mga gurong mahilig mag-assume na alam na namin ang mga itinuturo nila,
mga gurong ni minsan ay di nagbigay ng takdang-aralin
mga gurong mahilig mag-assume na alam na namin ang mga itinuturo nila,
mga gurong nagpapaquiz ng topic na hindi naman niya naituro,
mga gurong mataas magbigay ng grado,
mga gurong mataas magbigay ng grado,
mga gurong may binabagsak,
mga gurong mahihina ang boses,
mga gurong malalakas ang boses,
mga gurong nagtatanong kung may tanong pa kami sabay "okay, none",
mga gurong mahihina ang boses,
mga gurong malalakas ang boses,
mga gurong nagtatanong kung may tanong pa kami sabay "okay, none",
mga gurong
nagsasarado ng pinto kapag may klase,
gurong sinaraduhan namin ng pinto (pasensya na po pasaway kami),
gurong sinaraduhan namin ng pinto (pasensya na po pasaway kami),
mga gurong sumasayaw
at kumakanta tuwing may mga programa sa eskwela,
mga gurong kabisado
ang pangalan ng mga estudyante niya,
mga gurong natututo sa kanyang mga estudyante,
mga guro kong kilala parin ako ngayon,
gurong nagturo sa amin na ang basa sa attaché case ay hindi ata-chi case kundi ata-shey case,
mga gurong natututo sa kanyang mga estudyante,
mga guro kong kilala parin ako ngayon,
gurong nagturo sa amin na ang basa sa attaché case ay hindi ata-chi case kundi ata-shey case,
mga gurong laging
nagbibigay ng dagdag puntos,
mga gurong may rules and regulations,
mga gurong may rules and regulations,
mga gurong
nagra-right minus wrong,
mga gurong nagsusulat ng very good o smiley face kapag mataas ang iskor sa test,
mga gurong nagsusulat ng very good o smiley face kapag mataas ang iskor sa test,
mga gurong
nagpapa-recitation,
mga gurong nagbibigay ng little gifts sa kanyang mga estudyante,
mga gurong nag-eeffort kilalanin ang mga estudyante niya,
mga gurong madaling lapitan,
mga gurong hindi ko maisip ni sa guni-guni ay lapitan,
mga gurong nasa aquarium,
mga gurong nagfi-feedback,
mga guro kong advisers ko din,
mga gurong hindi na makatulog kaka-check ng mga papel ng estudyante,

nakakasalubong sa SM,
mga gurong
nagbibigay ng hand outs,
gurong sinasama pa rin ako sa mga presentations kahit hindi ako marunong sumayaw,
mga gurong nakadrawing sa notebook ng mga estudyante,
mga gurong ini-impersonate ng mga estudyante,
gurong salita ng salita pa rin habang nagsasagot ng pagsusulit ang kanyang mga estudyante,
mga guro na inaantok din tulad ng mga estudyante,
mga guro na laging nahuhuli o hindi pumapasok sa klase,
mga gurong cool,
mga gurong genius,
mga gurong IMBA,
mga gurong nose-bleed,
mga gurong parang nagsesermon na sa klase,
mga gurong kina-cut-an ng mga estudyante,
mga gurong nagbabahagi ng katotohanan sa ating buhay,
mga gurong kayang padaliin ang mahirap na topic,
mga gurong nagagawang ipakita ang pagiging interesante ng isang bagay, maging kung ano man ito,
mga gurong todo-bigay, tila nagpeperform sa bawat klase,
mga gurong nagjojoke,
mga gurong nagtuturo kahit maliit ang sweldo,
mga gurong nagtuturo kahit walang sweldo,
mga experiences ko, my best teachers,
mga gurong stressed na sa dami ng ginagawa,
mga gurong nagpupuyat para gumawa ng visual aids,

mga gurong inaamin ang pagkakamali,
aking paboritong mga
guro,
gurong parang naging tatay na namin,
aking mga magulong, ng aking unang mga guro,
mga gurong naipapakita at naipadadama ang kanilang pagmahahal sa pagtuturo,
gurong parang naging tatay na namin,
aking mga magulong, ng aking unang mga guro,
mga gurong naipapakita at naipadadama ang kanilang pagmahahal sa pagtuturo,
mga guro kong
mapagmahal at maalalahanin,
mga guro kong
naniwala sa aking kakayanan,
mga gurong
nagpatawa, nagpasaya sa akin,
mga guro na aking
naging inspirasyon,
Hindi ako sarcastic sa pagpapasalamat na ito. Mali man ang dating noong iba kong sinabi pero ang totoo ay sa mga maling bagay rin na iyon natuto ako (natututo tayo). Sa bawat ginagawa natin guro man tayo o hindi, malaki ang impluwensiya noon sa ibang tao. Kaya hayaan niyo nang pasalamatan ko rin kayo, sabi nga ng mga quote:
"I have learned silence from the talkative, toleration from the intolerant, and kindness from the unkind; yet, strange, I am ungrateful to those teachers."
-- Kahlil Gibran"If I am walking with two other men, each of them will serve as my teacher. I will pick out the good points of the one and imitate them, and the bad points of the other and correct them in myself."-- Confucius
Huwag nating kalimutan batiin at pasalamatan ang mga teachers natin bukas! :)
credits: freepsdfiles for the blackboard and psdblast for the ribbon.
2 comments:
aww hindi man, direktang para sakin 'to, natouch parin ang bangs ko! :) salamat. :))
aww, nakakatuwa naman :). salamat din! saludo ako sa inyong mga guro! happy teacher's day! :)
Post a Comment
Thanks for reading! I'd like to know what you have to say, do leave a comment :)