Nakita ko to sa Facebook at tuwang-tuwa ako kasi nakakarelate ako nang sobra! haha! magcocomment ako sa mga nakalagay dito, nakakatuwa talaga!
images.linuxidx.com |
- Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol. (anime! haha dati kumukuha lang ako ng text sa tindahan namin, haha!)
- May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. (favorite ko ang bazooka! haha! kaya lang ang bilis mawalan ng lasa!)
- Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (alam ko lang yung commercially made, hehe)
- Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. (haha ako din, ang saya kaya nun!)
- Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (kahit hindi ako lalaki! hahaha)
- Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (taong bahay ako eh, di kami pinapalabas nung bata kami)
- Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (haha bawal din ang paputok sa bahay noon, kami lang tuloy walang paputok! haha nakikinuod nlng!)
- Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (wala ata ako nun, minsan lang kami bumili ng sapatos nung bata kami eh, tuwing christmas lang, haha, kelangan maluma muna talaga yung sapatos dati)
- Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (wala akong maalala eh, pero sa ibang tao madami, uso nga siguro yun noon)
- Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. (oo nga, dati pinipilit talagang matulog, ngayon okay lang na hindi na)
- Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. (hahaha, hindi ko alam yung bigas pero oo, sabi may lalabas na pari, pati tren lalabas daw, kaya takot akong magkasugat noon eh, at nung nagkasugat ako sa tuhod lagi akong naka jogging pants para di nila makita, pero in the end, nakita parin, haha, ang laki nung sugat ko, nagnana pa at may peklat pa siya ngayon, tsk! pero wala namang lumabas na kahit ano! haha)
- Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha. (kami pa, eh jolina fans nga kami kaya sure na meron kamu nyan! hahaha! kakatuwa! the best to!)
- Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (gifts lang siguro yung karamihan ng mga polly pocket namin, di ako sure, pero madami kami nun eh! haha)
- Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (haha naadik kami sa kisses noon eh, padamihan pa, hindi naman nanganganak)
- May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. (oh? hindi ko alam)
- Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. (haha oo!)
- Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (hahaha, may collection pa kami, pati stickers)
- Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (yes may brick game kami noon, ska tamagotchi na lagi kong nirereset, wala kaming game boy noon kasi ayaw ng mommy namin so sa magpipinsan kami lang wala, oh well, ito ang the best yung may tubig kahit ngayon paboritong laro ko yan sa tuwing makakakita ako eh, haha, nakakaaliw diba, napapamura pa ako dyan kpag isa nalang yung hindi ko pa nalalagay tpos biglang matatanggal, peste!)
- Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.(hindi naman, tuwing break and tuwing p.e., "moro-moro" ang tawag namin sa agawan base eh, bakit walang patintero dito?! haha)
- Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". (haha! period no erase! alam ko meron pa nung ni-lock at may susi, wala nang bawian!)
- Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. (sadly, hindi ako nagkaroon noong ganung pencil case, ang mahal naman kasi noon eh, kahit ngayon, haha)
- Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. (alam ko may sarili kaming notebook nung gradeschool galing sa school tlga)
- Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. (wala kaming coolman, pero mga classmate ko, oo! haha, ang sarap ng tubig doon, hindi nawawala lamig!)
- Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. (alam ko gusto ko noon tong Baby-G eh, pero hindi ata ako nagpabili, naalala ko din yung singsing na relo, yung meron kami!)
- Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (alam ko may luma akong pager, design lang)
- Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. (natapon na ata yun eh, pero meron nga, yung pangkaskas ng yelo!)
- Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (Mario Bros and bust a move!)
- Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game. (sa mga kuya ko mga yan eh, nakikihiram lang)
- Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". (Ako ay Pilipino!)
- Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries. (mga pang karaoke!)
- Sumasayaw ka ng Macarena. (sinong hindi? haha)
- Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (two become one! si baby spice ata gusto namin eh)
- Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (haha oh yes! A1, westlife, N'synce, and backstreet boys)
- Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. (matanda na ata ako nung narinig ko mga songs nila, or hindi ko lang alam na sakanila yun, haha)
- Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (tama! o manual mo iikutin yung tape with your index finger! haha)
- Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. (with matching actions!)
- Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. (Go go Power Rangers!)
- Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. (hahaha, paborito ko kaya mga yun, nakakaaliw diba! memorize ko pa ang theme song ng Sineskwela!
- Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. (yung mga kuya ko, ako hindi talaga eh, sulyap sulyap lang)
- Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"(hahaha bentang benta kaya ang Voltes 5 kapag may cheering or mga contest, yung iibahin mo yung lyrics)
- Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." (ahhh???)
- Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Miss Minchin! napanuod niyo na ba sa youtube yung Sarah ang Munting Bratinella?! hahaha)
- Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. (favorite ko din yan! kahit paulit ulit! nakakaasar yung sumama na si Camille, saka gusto ko yung nagtatrabaho na si Angelica, yung pinagluto niya at natatalamsikan siya! haha)
- Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. (4:30 na! Ang TV na!)
- Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. (hindi ko sila kilala)
- Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima... (napaka original na kanta nyan ah! hindi ko alam yan e)
- Napanood mo ang Batang X. (haha maraming beses na ata pati batang Px/roller boys/magic temple/hiling/ang tv the movie)
- Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (Awwww! doon ba si Fulgoso?)
- Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles" (yup! bakit ngayon wla ng mga ganyang sitcom)
- Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. (the best kaya si Gladys umarte! ang sarap tuloysampalin! haha)
- Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. (Anakarenina!)
- Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. (jolina & marvin the best!)
- Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." (awww! hindi ko din to maalala)
- Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". (ahhh?!)
- Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. (oh?)
- Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (hindi ako mahilig manuod balita...basta ayoko nanunuod ng Magandang Gabi bayan kapag November, nakaktakot mga pinalalabas nila eh)
- Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. (ooh? ano bang ginagawa ko tuwing linggo noon?)
- Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. (ayaw ko ng horror movies eh, pero nakapanuod siguro ako ng mga ilan, dahil wala akong choice, gusto kasi nila)
- Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (no idea kung ano ito!)
- Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (haha pati sa movie rentals VHS pa!)
- Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha (haha! actually hindi ko siya naging crush, kahit hanggang ngayon, nagagalingan lang ako sakanya umarte, hehe, anyway kung titanic lang ang pag-uusapan hanggang ngayon eh hindi ko parin yun buo napapanuod, lagi part by part...ang haba kasi eh! haha)
Ang fun lang mag-alala ng mga ganitong bagay!
4 comments:
so nostalgic grabe!!! aaminin ko mahilig ako sa sailormoon dati at paperdolls nila!!! napalo nga ako ng tatay ko sa kakakolekta nito e...
tapos mga chinese shoiws tuwing linggo!!!! ang saya......
hay ang saya saya...tapos kami ni Maricar!!!
naglalaro ng tamagotchi...yung isang bunggo mo lang reset na..haha./
hay ang sarap maging bata........hay.......
tapos mga tex at pog..sugal ng mga bata...haha.....bitter na bitter ako tuwing natatalo ako sa laban...pinapalaro ko kasi sa pinsan ko para sila sisihin ko pag natalo..haha..hay buhay.
saya saya......kakamiss.
hahaha paperdolls tlga? nagagalit tlga tatay mo? hehe ako din laging reset! haha...sobra kakamiss noh! kaktuwa tuloy basahin...
Nasa'n nga ba 'ko nung 90's? XD.
Gusto ko uling maging bata!
Hello richard! hehe oo nga! ang saya maging bata!
Post a Comment
Thanks for reading! I'd like to know what you have to say, do leave a comment :)